HINDI nga po kataka-taka na rampant ngayon ang PAIHI, BOOKIES at STL-con JUETENG at SAKLA sa lalawigan ng Cavite.
Dedma ang utos ni Cavite PNP Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. sa mga chief of police na pairalin ang “no take policy”.
Ang hindi maarok ng Kalawit ay kung sino talaga ang dapat masunod? Si PD Ricardo o si Richard na nagpapakilalang kolektor ng Cavite PPO?
Si Richard ang ipinalit sa sinibak na kolektor na si JON-JON na siyang may hawak ng koleksyon sa mga illegal sa lalawigan.
Ayon po sa insider ng Kalawit sa Cavite PPO, si Richard ay kasosyo daw ni PD Ricardo sa kanyang security agency at siya ring personal bodyguard? Totoo po ba ito Col. Ricardo, Sir?
Si Richard din ang may basbas sa puwesto sa PIJO SAKLA at pergalan sa Alfonso, Cavite na ang may hawak naman ng timbre o lingguhang payola ay si Francis. Alam po kaya ito ni Alfonso Chief of Police Maj. Robert Dimapilis? o bokolized din ang inaabot kay Francis?
Sa bayan naman po ng Indang Cavite, lantaran at garapalan ang PWESTO PEJO SAKLAAN ni Aileen na ang bangka ay isang nagngangalang Jenel Francisco at ang tumatayong financier ay nagpapakilalang personal security/bodyguard ni DOJ Secretary Boying Remulla.
Sinasabing padrino ng mga ito si Richard at pinagwawagwagan na kolektor daw siya ng Cavite PNP. Grabe! Hindi pa po nasiyahan itong si Richard, tinaasan ang TARA o payola weekly, kung saan ang ikinokolekta ay para daw sa tanggapan ng PD, PD Striker.
Bukod diyan, ikinokolekta rin daw ni Richard ang isang Apollo, S2 Lt. Col. Marlon Solero na dating hepe ng Naic, DPDA-Lt. Col. Naganag at DPDO-Lt. Col. Oruga.
Kasama rin daw na ikinokolekta ang tanggapan ng Provincial Special Operation Group (PSOG) at Provincial Special Operation Unit (PSOU) Lt. Col. Cruzada. Dobleng-tara nga ang ginagawa, pero ang totoo lang bukol na ang mga kawawang opisyal na isang grupo lang ang ikinokolekta.
Ayon pa sa insider, walang magawa ang mga player o illegalista dahil si Richard ang makapangyarihan sa buong Cavite pagdating sa mga illegalista. Siya ang may basbas na kolektahan ang lahat ng mga illegalista sa buong lalawigan pati na ang bookies con STL -con JUETENG ni Bong Pineda.
Yabang pa ni Richard, wala daw paki sa kanila ng kanyang amo ang mga tri-media na nagbubunyag sa kanyang illegal na raket dahil malakas daw sila kay Batuginas. Bukod diyan, ilang samahan sa Calabarzon PNP ang ginagamit na panakot ni Richard.
Dahil din daw sa basbas ni Richard ay talamak ang mga bookies nina Nita KABAYO gamit ang pangalan ni Bong Pineda at Jun Toto. Sana lang huwag matulad sa PD ng Batangas itong si Cavite PNP Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr.
Sana ay lipulin agad ang salot na bookies nina NITA KABAYO at Jun Toto na nagkalat sa mga lungsod at bayan ng Cavite.
Para po sa kaalaman ng butihing PD ng Cavite, ang bolahan o rebisahan ng illegal na mga bookies ni Jun Toto sa Dasmariñas ay sa garahe nito sa Barangay Sta. Maria ginagawa.
Panangga kasi nitong sina Jun Toto at Nita KABAYO ang nagpapakilalang kolektor ng CIDG CRAME na si BIGBOY. Asahan po natin ang agarang aksiyon ni PD Col. Ricardo Jr. ng Cavite sa salot na bookies nina NITA KABAYO at Jun Toto.
Sa puntong ito mukhang walang pangil ang direktiba ni Col. Ricardo Jr. dahil ibinasura ng hepe ng GMA ang utos nito na sibakin ang illegal na pasugalan sa pergalan ni OMPONG sa GMA Cavite. Nasa tabi daw ito ng isang gasoline station at sikat na kainan. ABANGAN… may ang karugtong…
