KUNG maalala ninyo ang kanta ng Inang Laya, ang Babae ka: “Mga babae, ang mithiin ay lumaya.”
Sa aking paniniwala, pumukaw ang lirikong ito sa damdamin ng bawat kababaihan hindi lamang sa loob ng kampus, komunidad at serbisyo-publiko kundi sa lahat ng larangan na magpunyagi upang makatulong sila sa ating bansa.
Ihahandog natin ang piyesang ito sa sektor ng kababaihan bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon at paghihirap sa loob at labas ng tahanan.
Sa ating mga ate, kapatid, anak, pinsan, kaanak, lola at higit sa lahat sa ating Inang kumilos upang makatulong hindi lamang sa ating tahanan kundi lumabas sa lansangan at ginamit ang sariling kakayahan upang magkaroon ng puwang sa ating lipunan.
Malaki ang dapat ipagpasalamat natin sa kanila.
Pero, kahit anong kisig at kalayaang tinatamasa ng kababaihan, kung andyan pa rin ang sinasabing gender bias at kapos sa equality sa ating komunidad, nakakasagabal sa tuluyan paglaya ng sektor at mas higit na mabigyan ng kapangyarihan.
Ganyan ang pananaw ni Senador Cynthia Villar sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa Department of Agriculture kamakailan.
Naniniwala si Villar, kilalang ‘Ina” ng maraming kooperatiba at samahan ng kababaihan na tinutulungan ng Villar SIPAG Foundation, na kung mahigit kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay babae at makakapagbahagi sa pagpapaunlad ng bansa, magkakaroon ito ng positibong epekto sa pangkalahatang ekonomiya.
Tulad ni Sen. Villar, pabor akong bigyan ng kapangyarihan ang kababaihan upang makatulong sa food security at produksyon ng pagkain. Kilala si Sen. Villar bilang advocate ng karapatan at kapakanan ng kababaihan, na aniya, kapag nagtrabaho at kumita ang kababaihan, lalago ang ekonomiya.
Tama siya, kasi makikita natin hindi lamang sa ating loob ng tahanan, kundi sa lahat ng lugar, puro kababaihan ang nangunguna sa negosyo maliit man o malaki.
Nakikita sila sa halos lahat ng larangan na pinag pupunyagian ng kalalakihan, isports man yan o sa akademya, maging sa sektor ng manupaktura at bentahan, kababaihan ang nangunguna.
Kahit nga ang DA, pinahahalagahan ang kababaihan na makikita sa tema ng kanilang pagdiriwang: “We for gender equality and inclusive society” at sub-theme: “Expanded Opportunities for Women Participation, Leadership and Benefits in Science, Technology and Innovation (STI), ICT, Infrastructure and Energy”.
Kaya’t naipasa ang RA No. 6949, ayon kay Villar, na nagtatakda sa Marso 8 bawat taon bilang ‘special working holiday’ upang matiyak ang makabuluhang pagdiriwang nito sa lahat ng government offices.
Ipinaliwanag ng mambabatas na hinihikayat ng batas ang lahat ng pinuno ng government offices sa nasasakupan na lumahok sa selebrasyon ng National Women’s Day sa kanilang opisina.
Bukod dito, nagtatakda rin ang government departments at agencies ng minimum 5% ng kanilang taunang total annual budget para sa gender programs, projects at activities.
“Women have a lot to contribute to development of our nation given the proper opportunities and trainings,” ani Villar na sinabing mapalad siya dahil naturuan siya ng kanyang Lola Lelang at ina na kumita ng pera, mag-ipon at matalinong na gastusin ang pera. Iginiit din nila ang kahalagahan ng edukasyon.
Dulot ng inspirasyong ito, at sa pagnanais na rin na makatulong, itinatag nila ang Villar SIPAG foundation.
“Our aim was to improve the quality of life of the people through entrepreneurship and livelihood, health and social services, culture and arts, education and urban greening, among others,” sabi ni Villar.
Hindi lamng publicity ang pagtatayo ng Villar SIPAG Foundation dahil marami itong proyekto para sa kababaihan tulad ng weaving ng water lily stalks sa paggawa ng basket, pagtatayo ng 86 composting facilities sa Las Pinas at sa 50 Vista Land communities sa buong bansa. Nagtayo din sila ng recycling plant sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na karamihan na nagtatrabaho ay pawang kababaihan.
Nagtayo rin ang Villar SIPAG ng apat na Farm Schools sa Las Piñas, San Jose del Monte City, Bulacan; Iloilo at Davao City
Dito pa lang, panalo na ang kababaihan, how much more kung makikibahagi tayo sa pagbibigay kapangyarihan sa kababaihan upang umunlad ang ating bayan. Mas lalo silang magkakaroon ng kapangyarihan at kalayaan na siyang tema ng kantang ‘Babae Ka!’