MATAPOS ingusong utak sa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Roel Degamo, sinalakay ng mga operatiba mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga bahay na pag-aari ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves.
Kabilang sa mga pinasok ng CIDG ang apat na mansyong pag-aari ng kongresista sa Barangay Malabugas, Bayawan City at isang private beach resort sa bayan ng Basay.
Bitbit ang search warrant na inilabas ng korte, hinalughog ng mga operatiba ang mga target na lugar na di umano’y imbakan ng armas at pampasabog. Batay sa paunang ulat ng PNP, nakasamsam ng mga baril ang mga pumasok na operatiba.
Si Teves ang pangunahing suspek sa Degamo slay kung saan siyam na katao ang pinaslang – kabilang ang gobernador.
Bukod sa Degamo slay, dawit din sa patong-patong na kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms and explosives ang kongresistang kasalukuyang nasa Estados Unidos.
Samantala, tuluyan na rin napaso ngayong araw ang Travel Authority Clearance na iginawad ng Kamara kay Teves.
Sa kaugnay na balita, ipinagtapat ng apat na arestadong suspek sa Degamo slay na buwan pa ng Disyembre ng nakalipas na taon nung planuhin ang pagpatay sa yumaong punong lalawigan.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Special Investigation Task Force Degamo spokesperson Lt. Col. Gerard Ace Pelare na 17 ang nagpulong sa isang safehouse kung saan di umano bumalangkas ng plano kung paano at saan at kailan papaslangin si Degamo.
“They were gathered, they were briefed in a particular place, in a safe house, so that when they have an opportune time, they will launch the attack,” wika ni Pelare.
Aniya pa, nagmula ang mga salarin mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas na Mindanao.