
Maniwala kayo o hindi mga kumadre’t kumpadre ang presyo ng bahay sa Metro Manila ay masmahal pa kaysa Shanghai, Tokyo (Ru Area), Seoul at Singapore HDB, ito ay base sa ulat ng Urban Land Institute na pinadala sa Saksi.
Alam niyo ba Porky Porcalla at Angie Rosales, ang pinakamahal na presyo ng bahay sa Asia ay ang Shenzhen, China na nakatala ng pinakamatas sa rehion na tumala ng 35.0 at sinundan naman ito ng Ho Chi Mih, Vietnam (32.5); Beijing, China (29.3); Da Nang, Vietnam(26.7), Hong Kong, China (26.5); Did Jakarta Single Family, Indonesia (25.9); Metro Manila, Philippines (24.8); Hangzhou, China (24.4); Shanghai, China (24.1); at Nanjing, China (23.7).
Tama ka Benjie Alejandro ng DZME na ika ng ULI sa kanilang report “Median home price in Metro Manila is 24.8 times higher than its median annual household income in 2023.”
Kasama rin sa listahan ang Metro Cebu na pang labing isa (23.3) at ang Davao City na pang dalamput isa (16.1) sa listahan na nilabas ng ULI. Nakatala ang Singapore HBD ng 4.7 bilang pinakamurang pabahay kasama ang ilang bayan sa South Korea tulad ng Gwangju (5.8); Ulsan (6.2); Incheon (7.6) at Daejeon (7.8) kasama ang Fukuoka-Shi sa Japan na nakatala ng 7.2.
Anong ibig sabihin kapag ang presyo ng bahay sa Metro Manila ay pang pito sa pinakamahal sa karatig bansa ng Pilipinas? Alam ni Congressman Jonat Dela Cruz at Conrad Banal ng DWIZ ang kasagutan di ba Elmer Mesina?
Obvious naman Weng Salvacion ng DZBB na tataas ang dami ng mga homeless pati na ang mga maninirahan sa ilalim ng mga tulay at gayon rin ang ilegal na mangaagaw ng bakanteng lupa o kaya ilegal na manunuluyan sa mga abandonadong ari-arian kapag mahal ang presyo ng bahay sa Metro Manila.
Thanks but no thank you kay Senator Kiko Pangilinan. Bakit kamo Ate Shawie Cuneta? Hindi ngayon ma-proteksyonan ng mga taxpayers ang kanilang real estate property kung meron ilegal na nanuluyan sa kanyang lupa. Di ba Macon Araneta ng Manila Standard naka-saad sa batas na inakda ni Mr. Sharon Cuneta kelangan mag provide ng relocation site ang may-ari ng lupa para umalis ang ilegal tenant sa kanyang ari-arian? Maganda ang hangarin ni Senator Kiko Pangilinan, pero merong mali kaya nagkakahetot-hetot tayo tam aba Harvey Keh.
Buti na lang Bataan Board Member Rod Izon baka pa man lumabas ang resulta ng survey na ginawa ng ULI ay inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos si Secretary Jerry Acuzar na pamunuan ng San Jose Builders este ng Department of Human Settlements and Urban Development, ikaw talaga Jing Villamente ng Daily Tribune, na tapusin sa lalong madaling panahon ang mahigit isang milyong pabahay para sa mga maralita.
Pero hindi sapat yung pabahay na ipapagawa ng administrasyon ni PBBM, Eric Garafil. Bakit kamo Boying Abasola ng PNA? Base sa datus na aming nakalap, Jun Burgos, meron mahigit 70 milyong katao sa Metro Manila ang naninirahan ng “substandard housing.” Naku Lakay Deomacalma ng DZRH nakikita ng Build Change Organization na aabot ng 113 milyong katao sa Metro Manila ang maninirahap sa “substandard housing” pagsapit ng taong 2030.
Kelangan nga balansehin natin ang pagpapagawa ng socialized housing at ang pananatili ng ating bansa na merong bukid upang makapag-produce ang Pilipinas ng sariling pagkain para sa taumbayan, di ba Florante Rosales?
Tama nga Professor Cecile Suerte Felipe ng Philippine Star si Senator Raffy Tulfo na dapat magkaroon ng moratorium sa pag convert ng ating mga bukid bilang mga residential subdivisions o kaya commercial spaces. Ewan ko ba Dong Delos Reyes na isang mangkokolum kung bakit hindi ma-gets ni Senator Cynthia Villar yon e nakapunta naman sila nila ex Senate President Manny Villar at Senator Mark Villar sa Singapore, Japan at South Korea.
Alam naman marahil ni Senator JV Ejercito bilang chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na upang hindi maubos ang mga bukid sa ating bansa dapat ang ating mga socialized housing ay tulad sa Singapore HDB. Sang ayon ka ba dito Senator Jinggoy Ejercito Estrada?
Di ba agricultural country tayo, Ted Cordero ng GMA News? E pero bakit dumedepende tayo sap ag anangkat ng bigas, asukal, gulay, baka, baboy, isda at iba pa sa ibang mga bansa. Hindi mangandang pangitain yarn Agriculture Senior Undersecretary Domeng Panganiban.
Isang friendly reminder sa dumarami nating taga-subaybay na bawal ang pikon, di ba Boss Edwin Cabangon ng DWIZ at Congressman Butch Pichay ng DZME. Ika nga nina Ka Jorge Cabacungan ng Eagle Broadcasting Corporation at Joel Reyes Zobel ng DZBB, pikon talo!
-30-