Naku mga kumpadre’t kumadre sa aking paningin parang naging costume contest ang parada ng mga mga VIPs at dignitaries sa ika-2 SONA ni Pangulong BBM.
Si Senadora Manang Imee Marcos tila naging batang Whang-Od ng Mountain Province at si Vice President Ateng Inday Sara Duterte naman ay akala mo prinsesa ng Maguindanao. Walang masama sa pag suot ng mga ethnic clothes, di ba Governor Mudjiv Hataman at Mayor Benjie Magalong?
Ang sa akin lang naman, hindi appropriate sa okasyon ang pag suot ng mga ethnic clothes sa State of the Nation Address, maliban na nga kung KSP ka! Tanungin natin kay Speaker Koyang Martin Romualdez at sigurado ako alam niya ibig sabihin ng KSP, di ba Ruben Manahan?
Sa ibang bansa tulad ng pilit nating ginagaya na Estados Unidos, hindi naman natin nakitang nagsuot si US Vice President Kamala Harris ng Saris o Kurtas o Shararas o Salwar Kameez o kaya si US Senator Deb Haaland at US Senator Sharice Davids ng Anuks sa SONA ni US President Joe Biden. Bakit? Maliban sa hindi sila epal, mga kumpadre’t kumadre, alam rin nila ang proper decorum ng State of the Nations Address.
Madali sanang maunawaan kung sila Manang Imee at Ateng Inday Sara kung araw araw na pumapasok sila sa Senate of the Philippines at Office of the Vice President ay ganon rin ang suot nila di ba Budget Secretary Amenah Pangandaman?
Paki bulong naman Senator Bong Go kay Manang Imee at Ateng Inday Sara na bugok ang utak ng nag advice sa kanila na mag suot ng ethnic clothes kundi naman sila lehitimong Igorot at Maguindanaon.
OOoOO
Teka Bobby Ricohermoso at Classmate Ed Cordevilla, inuurot daw ni PCSO General Manager Mel Robles na tumakbong Senadora si First Lady, Ninang Lisa Araneta Marcos?
Bakit kamo Jean Fernando ng Manila Bulletin? E ilang ambulasya ng PCSO ipamimigay o pinamigay sa mga Local Government Units ay merong malaking litrato si Ninang LAM.
Ano sabi mo Kristina Maralit, nagpapalapad ng papel para hindi matanggal o baka meron pinupuntiryang ibang opisina na mas malaki ang tapwe?
Kung ako lang ang tatanungin, PCO Secretary Cheloy Garafil, litrato ni Ninang LAM kasama si Pangulong BBM at si Ateng Inday Sara para hindi ma-intriga. Naku isa pang bugok, Ira Panganiban ang isip na litrato lang ni Ninang LAM ang ilagay at talagang obvious nagpapalapad ng papel.
OOoOO
Ninang GMA, totoo ba itong tsismis na sinabi sa amin ng isa nating Seksing Saksi. Kaya daw pumunta si dating Pangulong Duterte sa Beijing at kausapin si Xi Jin Ping para pondohan ang impeachment laban kay Kuya Martin at ang plano ni Ateng Inday Sara na maging Presidente ng Republika ng Pilipinas?
Balita ko na-intercept rin ng Malacanang ang information na ito, di ba Secretary Anton Lagdameo?
Sabi ng ilang mga political analysts naka-inuman ko ng Civet coffee kamakailan eh kung ganoon ang sitwasyon bakit hindi na lang i-turnover ni Justice Secretary Boying Remulla ang erpats ni Ateng Inday Sara sa ICC o International Criminal Court kaugnay sa pagpaslang ng mga suspek sa bentahan ng mga pinagbabawal na gamot di ba ex Ambassador Bobi Tiglao ng Manila Times?
Hindi malayo na magkaroon ng proxy war ang Tsina at ang Estados Unidos sa susunod na presidential elections. Ang siste wala pang pambato laban kay Ate Inday Sara, pero baka maka-gain ng popularity si dating VP Leni di ba Koyang Harvey Keh?