
KILALA pala ni Koyang Mon Tulfo yung anak ng isang sikat na broadcaster journalist na kung umasta’y prima donna sa Palasyo. Halos P200,000 kada buwan din pala sweldo niya sabi ng nakakatandang utol nila Senator Raffy Tulfo at dating DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Meron uli tayong papahulaan sa inyo mga kumpadre’t kumadreng patuloy na dumadami mula ng lumabas ang pitak natin dito sa Saksi.
Sino? – ika nga ni Arnold Clavio ng DZBB – ang nanay ng mga ahas na nasa paligid ng Palasyo at Pasig River? Dangan naman kasi, sa kanya natunton ang pinanggalingan ng kumakalat na white paper laban sa Pangulo.
Kaya mo bang hulaan Congressman Brian Yamsuan ng Bicol Saro? Baka naman kilala ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada ang nagpapakalat ng white paper… o baka naman may mapiga tayo kay Senator Lito Lapid kung kung mamasdan mo’y tahimik pero busog sa bulong mula sa mga marites na gaya ni Senator Bong Revilla.
Linawin ko mga kumpadre’t kumadre, hindi ako naniniwala sa laman ng white paper pero para sa kaalaman ng iba natin dumaraming tagasubaybay ay kukuha tayo ng ilang bahagi mula sa white paper na pinamagatang — “TALES FROM THE SNAKE PIT: FACTIONS IN THE PALACE”.
Tama ka Gil Bugaoisan, hindi millennial ang istilo ng pagsulat. Bakit kamo Elmer Mesina? Muhkang sanay sa old propaganda war ang umakda nitong white paper di ba Chit Luna?
Ika ng “TALES FROM THE SNAKE PIT: FACTIONS IN THE PALACE,” kasalukuyang may limang power blocs ang nakapalibot kay Pangulong Bongbong Marcos. Totoo ba yan PCO Undersecretary Honey Rose Mercado?
Alam mo ba Tata Rey Briones, ang limang power blocs na nakapalibot kay Pangulong Bongbong ngayon ay ang mga sumusunod.
Una syempre si LAM as in lam mo na – kasama sila Anton, Lucas at Jerry. Sabi ng white paper “This cabal has been responsible for most of the plum Cabinet appointments since Day 1.”
Ang ikalawa ay ang tambalang GMA-Sara. Ika nga ng white paper sila ang nagplano ng Team Unity. Pinapakinggan umano ni Marcos sina GMA at Sara sa larangan ng foreign affairs pero “they were marginalized domestically with GMA being related to Deputy Speaker and Sara as DepEd Secretary instead of DND post that she asked for.”
Ang ikatlo ay Upsilon Brothers nila Speaker Martin Romualdez, Justice Secretary Boying Remulla at Trade Secretary Fred Pascual. Kasama ba sa Upsilon Brothers si Sabin Aboitiz at si Philip Romualdez, anong palagay mo Benjie Alejandro ng DZME?
Hindi naman magpapahuli ang tambalang SP Migz at Manang Imee. Kasama nila SP Migz at Manang Imee ang ilang mga political families nasa Senado tulad ng mga Villar at mga Ejercito. Tama ba ito Macon Araneta ng Manila Standard?
At ang pinakahuli sa mga power blocs ay ang tambalan nila Vic at Trixie. Sabi ng white paper maraming alam ang dalawang dating miyembro ng Gabinete kaya meron pa rin daw silang “considerable clout with BBM because they have valuable info about him that can lead to his downfall.”
Puro kasinungalingan o pawang katotohanan ang laman ng white paper, mga kumpadre’t kumadre ay hindi ko alam. Hayaan ba natin Rommel Tabbad ng Balita na ang mga mambabasa natin ang humusga?
Sila Bobby Ricohermoso at Marlon Purificacion mas interesadong malaman kung sino yung nagsulat at bakit nagpakalat ng white paper na pinamagatang — “TALES FROM THE SNAKE PIT: FACTIONS IN THE PALACE,” di ba Tata Mario Casiguran?
Tinanggal ba siya o sila sa pwesto kaya gumaganti at nagpakalat ng white paper? Tama ba ito Ka Tunying Taberna at Gerry Baja ng DZRH? Ano sabi ni Ka Rene Sta Cruz ng DZBB, siguradong meron tama, extra strong lang nga!