DALA ng kapansanan, hindi na nagawa pang makalabas ng 77-taong gulang na lola sa nasusunog na bahay sa ilalim ng flyover sa Barangay Balumbato, Camachile, Quezon City kaninang umaga.
“Nakita na natin ‘yung body, na-confirm na natin. Itinawag na natin sa SOCO (Scene of the Crime Operatives) ‘yan para ma-process,” ayon kay Quezon City Fire Marshall Aristotle Bañaga.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa hangganan ng mga karatig na barangay ng Unang Sigaw at Balumbato dakong 4:00 ng madaling araw.
Sa bilis ng pagkalat ng apoy, sumampa agad sa ikaapat na alarma ang sunog na lumamon sa magkakadikit na barong-barong. Pag-amin ni Bañaga, nahirapan ang mga bumbero kontrolin ang sunog dahil sa sikip ng eskinita nagsisilbing tanging pasukan at labasan ng mga residente sa naturang komunidad.
Dakong alas 8:00 ng umaga nang tuluyan nang naapula ang sunog. Pansamantalang nanunuluyan sa covered court of Balong Bato ang mga residenteng nawalan ng tahanan bunsod ng sunod na naapulaa bandang alas 8:00 ng umaga.