
PANGUNGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Press Corps First Invitational Shootfest na itinakda sa ika-14 ng Hulyo sa Camp Karingal, Quezon City.
Ang shootfest na pasok sa kategorya ng Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA)-sanctioned match ay may limang stages at 120 rounds para sa Handgun at Pistol Caliber Carbine (PCC).
Bukas ang paligsahan sa pagtudla sa mga miyembro ng media at mga gun enthusiasts.
Maaari rin samantalahin ang on-site caravan sa pagproseso ng renewal o bagong aplikasyon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF).
Ayon kay PNP Press Corps President Mar Gabriel, layunin ng aktibidad na mapahusay ang kakayahan ng mga miymebro ng media sa pagtatanggol ng laban sa mga banta, sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng baril.
Ang aktibidad ay isa rin aniyang fund-raising activity para sa benepisyo ng mga mamamahayag na biktima ng karahasan at mga may pangangailangang pinansyal.