HINDI man maganda ang kinalabasan sa nilahukang FIBA World Cup, higit na angkop panatilihin ang suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.
Para kay Senador Bong Go, hindi nangangahulugan ng pagguho ng Philippine sports ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa ginanap na FIBA World Cup sa bansa, lalo pa aniya’t may potensyal ang Pilipinas sa iba pang larangan ng palakasan.
Gayunpaman, kumbinsido si Go na isang kolektibo at komprehensibong suporta mula sa pamahalaan at ng pribadong sektor ang kailangan sa isinasagawang paghahanda ng mga pambansang atleta bilang paghahanda sa 2024 Olympics sa bansang Pransya.
Bukod sa gobyerno at pribadong sektor, higit na angkop din aniya ipagpatuloy ang tiwala ng publiko sa hinaharap ng Pilipinas sa iba’t-ibang larangan ng sports.
“Hindi lang naman po sa basketball ang talento ng Pilipino,” saad sa isang bahagi ng pahayag ni Go.
Partikular na tinukoy ni Go ang tagumpay ng bansa sa iba pang larangan tulad ng boksing at athletics.
“Looking forward tayo sa 2024 Olympics na manalo po tayo hindi lang po sa basketball, sa boxing, at iba pang athletics.”
Karagdagang Balita
ANTE, FIGURA WAGI SA 4TH PS GOLD CUP
2024 PARIS OLYMPICS: CARLOS YULO, MAY 2 GINTO NA
GINTO SWAK SA PINAS, CARLOS YULO WAGI SA PARIS OLYMPICS