UMABOT sa 172 ang nakipagtagisan ng husay sa ika-apat na Paglingkuran ang Sambayanan Golf Cup na ginanap kamakailan sa Orchard Golf and Country Club in Dasmariñas, Cavite bilang bahagi ng ika-52 anibersaryo ng Pi Sigma Fraternity.
Itinanghal na kampeon sa kategorya ng Low Net at Low Gross sina Rafael Ante at Frank Figura emerged as Low Net and Low Gross Champions, na nakapagbuslo ng 80 at 78 (ayon sa pagkasunod-sunod) sa System 36 Scoring Format.
Nakapagtala si Ante ng net score na 70.
Sina Lee Jae Min at Orchard Golf Director Jose Gonzales ang nakasungkit ng top two places sa Class A ng Men’s Division sa iskor na 70 at 71. Swak naman ang kampeonato ng Class B kay Boy Leonardo na umiskor ng 71 habang 1st runner-up naman si Angel Corpuz na may 72.
Ang Sigman Golfer na si Rodel Udarbe ang naghari sa Class C sa iskor na 75, habang first runner up naman si Opie Nioko sa iskor na 76.
Nasa 23 babaeng golfers ang lumahok sa torneo kabilang si Orchard Golf Member Susana Ante na nakasungkit ng kampeonato sa Women’s Division sa iskor na 73. Pasok kay Hazel Aguto and first runner-up finish habang si Ashely Eumague naman ang itinanghal na second runner-up sa iskor na 74.
Walong fraternity organizations na pawang miyembro ng UP Barkada ang lumahok sa benefit golf tournament kung saan ang Pi Sigma ang punong-abala (host) ngayong taon.
Nasungkit naman ng Sigma Rho Fraternity ang Championship Trophy para sa Team Event.
Binigyan din ng pagkilala ang mga wagi sa Fun Holes (para sa lalaki’t babaeng kalahok). Sina Orchard Golf Director Jose Gonzales at Anne dela Peña ang itinanghal sa wagi sa Nearest to the Pin; Atty. Gilbert Millado at Anne dela Peña sa Most Accurate Drive; habang sina Jong Bong Kyu at Roselyn Demeterio ang astig sa Longest Drive.
