KAPWA humugot ng inspirasyon sa mahal sa buhay sina Arnold Villacencio at Florence Bisera para masungkit ang asam-asam na korona sa ginanap na International Container Terminal Services Inc. The Country Club Match Play Invitational Cup na ginanap sa TCC Golf Course sa Sta. Rosa City sa lalawigan ng Laguna.
Pag-amin ni Villavicencio, halos mawalan na siya ng pag-asa manalo sa unang yugto ng paligsahan. Kung hindi pa aniya sa pananampalataya ng anak na si Gretchen sa kanyang kakayahan, malamang hindi niya naipanalo ang kompetisyon sa Men’s Division.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nanalo… masarap sa pakiramdam. Ako kasi ang pinakamatanda sa mga kalahok,” wika ni Villavicencio.
Para naman kay Bisera, sapat na ang presensya ng amang si Reynaldo Bisera – na nagsilbing caddie, para ibuhos ang kaalaman at kakayahan sa tagisan ng husay sa Women’s Division.
“Malaking tulong si Papa. Tinulungan niya pakalmahin sa tuwing kinakabahan ako,” sambit naman ni Bisera.