
ANG tagumpay ng PInoy, karangalan ng bansa.
Sa isang pahayag, nagpaabot ng pagbati ang pamunuan ng Kamara kay Pinay tennis sensation Alex Eala matapos maibuslo ang tagumpay sa ginanap na 2025 Miami Open laban sa mga world-class tennis players mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“Alex Eala’s journey in the Miami Open is nothing short of extraordinary. Defeating world-class players like Iga Świątek, Madison Keys, and Jeļena Ostapenko demonstrates her strong determination and skill on the court,” wika ni House Speaker Romualdez.
NAkatakda naman sumabak sa semifinals round ng nasabing torneo ang
19-anyos na wildcard entrant na si Eala matapos niyang pataubin si World No. 2 Iga Świątek sa impresibong 6-2, 7-5 victory sa quarterfinals ng itinuturing na Women’s Tennis Association 1000 event.
Nauna rito, nakasungkit din si Eala ng panalo laban sa 2025 Australian Open champion Madison Keys at former French Open champion Jeļena Ostapenko, patunay sa matatag nitong kampanya sa torneo.
“Her performance is proof of the heights that Filipino athletes can reach on the global stage. Alex embodies the spirit of perseverance and excellence that inspires our youth to dream big and work hard,” ani Romualdez.
Para kay Romualdez, ang pamamayagpag ng Filipina tennis player ay isang inspirasyon at pag-asa para sa iba pang manlalarong Pinoy para mas maging masigasig sa pag-abot ng pangarap.
“Sa bawat palo ng raketa ni Alex, dala niya ang pangarap ng bawat Pilipinong nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan. Siya ay isang buhay na patunay na ang talento at sipag ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay,” anang lider ng Kamara.
“We stand united in cheering for Alex as she advances further in the tournament. May she continue to play with the same passion and determination that has brought her this far. The whole country is behind her, praying for her continued success,” sambit pa ng Leyte solon (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)