HALOS punuin ng mga lider kabataan ang isang pagamutan sa Olongapo City matapos malason sa pagkaing inihanda para sa mga delegadong dumalo sa isang youth summit sa Travellers Hotel and Event Center sa Olongapo City.
Sa paunang ulat ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), pawang opisyales ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan ang isinugod sa pagamutan bunsod ng pagsakit ng tiyan, pamumutla, pagkahilo at pagsusuka.
Gayunpaman, agad naman nakalabas ng pagamutan ang karamihan sa mga pasyente matapos malapatan ng lunas. May ilan pa di umanong patuloy na inoobserbahan.
Naglunsad ng rin ng magkahiwalay ng imbestigasyon ang SBMA at lokal na pulisya.
