HINDI na nagawa pang makarating sa kani-kanilang tahanan ang dalawa katao matapos bawian ng buhay nang salpukin ng sinasakyang dyip ang isang puno sa bayan ng Lobo sa lalawigan ng BAtangas.
Sa ulat ng lokal na pulisya, may 22 iba pang bakasyonista ang sugatan sa nasabing insidente noong Sabado ng hapon.
Kabilang sa nasawi ang 54-anyos na drayber ng jeep na si Alberto Urriza, at pasaherong nakilala sa pangalang Virgin Migo. Patuloy naman nilalapatan ng lunas ang iba pang sakay ng dyip na pabalik na sana sa Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng jeep ang pababa at pakurbadang bahagi ng kalsada nang mawalan umano kontrol ang drayber matapos mawalan ng preno ang minamanehong dyip – hanggang sa bumangga sa mahagip ang isang bakod at salpukin ang puno.
