SA pagamutan na sinalubong ng isang lalaki ang bagong taon matapos tamaan ng bala mula sa isang improvised firearm, sa bayan ng Bulan sa lalawigan ng Sorsogon.
Sa ulat ng Bulan Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), dakong alas 2:45 ng madaling-araw nang itawag sa Hotline 911 ang insidenteng agad na nirespondehan ng MDRRMO Response Team, kasama ang ilang tauhan ng Bulan Municipal Police Station (MPS).
Pagdating sa iniulat na lugar, natagpuan ang duguang biktima na nagtamo ng daplis sa kanang bahagi ng sentido na sanhi ng tama ng bala.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. (EDWIN MORENO)
