BINALOT ng takot ang mga residente mula sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental bunsod ng isang magnitude 5.1 lindol matapos ang pagsalubong ng bagong taon. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol bandang 10:56 ng umaga sa layong 231 kilometro mula sa Jose Abad Santos, at may lalim na 134 kilometro. Babala ng PhiVolcs, asahan ang mga aftershocks. Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na walang inaasahang pinsala mula sa lindol. (LILY REYES) Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bus nahulog sa bangin, 4 patay, 24 sugatan 2026 sa ospital sinalubong, kelot sugatan sa sumpak