OVERLOADING ang sinisilip na dahilan sa aksidenteng kumitil sa tatlo katao matapos ang pag-tumbling ng isang van sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa bayan ng Rosales, sa lalawigan ng Pangasinan kamakailan.
Ayon sa ulat na dumating sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, mabilis na binabagtas ng van ang TPLEX sa bahagi ng Tomana West nang biglang sumabog ang gulong sa harapang bahagi ng sasakyan.
Ayon sa mga saksi, nawalan ng kontrol ang driver na nagmamaneho ng van, sukdulang araruhin di umano ang concrete barrier hanggang sa sumirko ang naturang sasakyan ng ilang ulit.
Kabilang sa mga nasawi ang isang isang 76-anyos na babae at dalawang lalaking edad 30 at 32, habang sugatan naman ang 14 na magkakamag-anak na sakay ng van.
Sa pagsusuri ng imbestigador, alanganin di umano ang sukat ng gulo kumpara sa bigat ng nakasakay.
Sa interogasyon sa isa sa mga biktimang nasaktan, patungo sana sila sa dambana ng Our Lady of Manaoag para pabendisyunan ang sawing-palad na van nang maganap ang insidente.
