UMABOT na sa kabuuang 659 aftershocks ang naitala sa magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.
Ayon sa Phivolcs, hanggang nitong alas-10 ng umaga, ang mga aftershocks ay mula magnitude 1.4 hanggang 6.2.
“We will still be expecting aftershocks few days to few weeks after the main shock. Pero habang tumatagal naman, lumiliit ang number at bumaba ang magnitude,” sinabi ni Phivolcs director Teresito Bacolcol sa isang press conference.
Ipinunto niya rin na ang mga aftershock na ito ay hindi na magdudulot ng tsunami.
“Aftershocks are usually one degree lower than the main shock. The main shock is 7.4 [magnitude], we would expect around 6.4 [magnitude] earthquake. It’s not capable of generating a tsunami,” paliwanag niya.
Karagdagang Balita
TALUNANG PARTYLIST SOLON, CITY MAYOR NA NGAYON
POGO SA CEBU BISTADO, CHINESE BOSS KALABOSO
LANDSLIDE PRONE: BARANGAY SA ALBAY, NO MAN’S LAND