
PARA sa mga militanteng grupo sa sektor ng maralitang lungsod, kaduda-duda ang sunod-sunod na sunog sa mga kabahayan at komunidad na apektado ng kontrobersyal na Manila Bay Reclamation project.
Paniwala ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na nakabase sa lalawigan ng Cavite, sadyang sinunog ang mga kabahayan sa Barangay Aniban, Barangay Niog Uno at Barangay Talaba VII na pawang nasa Bacoor City, at maging sa Barangay Pulvorista sa Kawit, Cavite.
Naganap ang sunog noong Pebrero 8, 9, 10, 17 at 27 ng kasalukuyang taon.
Maging ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya)-Cavite, diskumpyado sa mga naturang insidenteng paraan para kagyat na mapalayas ang mga residente at mangingisdang tutol sa reclamation sa naturang bahagi ng Manila Bay
“Given these circumstantial precedents, there is a high probability that the fire incidents were not by accident, but rather intentional,” pahayag ni Aries Sonedad ma tumatayong secretary-general ng Pamalakaya-Cavite.
“It has been established that setting a community on fire is the easiest and most effective way to demolish an entire community to pave the way for projects for corporate aggression,” aniya pa.