HUMIGIT kumulang isang milyon ang kabuuang halaga ng alahas at perang tinangay ng di umano’y magnanakaw na pumasok sa tahanan ng isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), sa lungsod ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite.
Sa tulong ng closed circuit television (CCTV), mabilis na nadakip ang isang alyas Renel na tinuturong nanloob sa bahay ni Ret. Colonel Rafael Jackson Cabiles Belleb sa Barangay Mambong ng naturang lungsod.
Ayon kay kay Police Master Sergeant Armando Perez ng Bacoor City PNP, nasa pasyalan ang buong pamilya Belleb nang maganap ang insidente.
Pagkagaling sa pamamasyal, tumambad sa mag-anak ang basag na bintanang pinaniniwalaang dinaanan ng suspek para tangayin ang kanilang mga alahas at P10,000 cash.
Humingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay at natukoy ang suspek base sa suot nitong maong pants, asul na t-shirt, relo, puting bull cap, belt bag at itim na sapatos na may puting lining.
