
PARA mapuksa ang nakamamatay na sakit na dala ng mga pesteng lamok, dapat ibigay ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng barangay para sa pinalakas na kampanya kontra dengue.
Ito ang buod ng kalatas ni former Davao City congressman Karlo Nograles, kasabay ng garantiya sa pinag-ibayong mekanismo sa usapin ng kalusugan at kaligtasan ng mga Dabawenyo sa nalalapit na pag-upo bilang alkalde ng naturang lungsod.
Ayon kay Nograles na nanungkulan din bilang chairperson ng Civil Service Commission (CSC), hindi dapat ipagwalang-bahala ang peligro ng dengue hindi lamang sa Davao City kundi maging sa iba pang lokalidad.
“Ang dengue nananatiling seryosong banta sa publiko hindi lamang sa Davao City kundi maging sa lahat ng sulok ng Pilipinas.”
Sa datos na ipinrisinta ni Nograles, lumalabas na pumalo sa 7,089 ang naitalang kaso ng dengue sa Davao City noong nakalipas na taon – mas mataas kumpara sa 6,784 cases noong 2023.
Meron din aniyang 55 binawian ng buhay noong 2024 – mas mataas kumpara sa 52 mortality na nairekord noong 2023.
“Even one death is one death too many because every case of dengue is preventable.”
Nanindin rin si Nograles na mas mainam na depensa sa peligro ng dengue ang pag-iwas kesa kesa sa lunas.
“Our best defense against dengue is not just treating those who get sick but ensuring fewer people get Dengue in the first place. Given the recent statistics, it’s clear that we need to intensify our efforts in eliminating breeding grounds, keeping our surroundings clean, and making Davao inhospitable for mosquitoes,” anang beteranong lingkod-bayan.
Gayunpaman, nilinaw ng dating Davao City congressman na hindi pwede ang teka-teka sa anti-dengue campaign.
“There is already a proven strategy to fight dengue — the 5S: Search and destroy mosquito breeding sites, Secure self-protection measures, Seek early consultation, Support fogging in outbreak areas, and Sustain hydration and medical intervention. But a strategy only works if it is implemented and everyone in the community is an active participant.” dugtong ni Nograles na kandidato para sa posisyon ng alkalde sa Davao City.
Malaking bentahe aniya ang pagbuhay at pagpapalakas sa Mosquito-Borne Viral Disease Task Force sa bawat barangay ng lungsod para sa mas epektibong anti-dengue campaign.
“Dengue is not just a health issue; it’s a community issue. With thousands of cases annually in our city, every home, barangay, and business must do its part in keeping our surroundings clean and free from stagnant water. We need our barangay leaders to organize our community efforts against Dengue, and we will give them every resource they need to defeat Dengue.”
Bukod sa mga barangay, sinabi ni Nograles na makabubuti rin pagsusulong ng pangkalahatang kalinisan ng lungsod at pag-aralan din ang pinagmulan at epekto ng pagkalat ng dengue-carrying mosquitoes.
“We need to revisit how we manage our urban spaces. Clean surroundings, proper waste disposal, and strict enforcement of sanitation measures should be part of our daily routine, not just when dengue cases rise.” pahabol ng matunog na susunod na mayor.