Ni Edwin Moreno
KALABOSO sa higit dalawang milyon halaga ng droga at marijuana sa pinaigting na Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP ang higit Isang libo katao sa sangkot sa droga, illegal gambling at mga most wanted kriminal.
Ayon ito sa ulat ni Laguna PNP acting Provincial Director Col. Gauvin Mel Unos, kung saan naitala na 1,030 katao ang nadakip sa buong buwan ng Enero 2024. Ang mga nadakip sa Anti-Criminality Operationality Accomplishment ay bahagi ng pinaigting na kampanya kontra illegal drugs, illegal gambling, wanted person at loose firearms sa buong lalawigan.
Dagdag ni Col. Unos, sa 208 operasyon naaresto ang 254 na suspek at nakumpiska dito ang 358.4 gramo ng shabu at 13.38 gramo naman ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,447,12.00. Habang sa operasyon kontra illegal gambling 171 na operasyon nadakip ang 189 na kobrador ng bookies at sa 87 operasyon kontra ibang form of illegal gambling nasakote ang 249 katao.
Nasamsam dito ang P129,053.00 halaga ng bet money. Labing apat (14) na wanted person regional level, 22 ang nadakip sa Provincial level at 108 sa city at municipality habang 193 wanted sa ibang kaso ang nadakip.
Sa operasyon kontra loose firearms, 5 baril ang nakumpiska, 2 sa search warrant, 25 ang isinuko, tatlo (3) ang narekober at 10 katao ang naaresto.
Sinabi pa ni Col. Unos, lalo pang paiigtingin ng Laguna PNP ang operasyon kontra krimenalidad para matiyak ang seguridad, kaayuaan at katahimikan sa lalawigan.
