NIRATRAT at dead on the spot ang mag-asawang magsasaka sa Barangay Dancalan Central, Guinayangan, Quezon, Sabado ng umaga.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isa sa dalawang biktima habang sa dibdib naman tinamaan ang isa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Randy Pedregal, 46 at Analisa Pedregal, 50.
Hindi pa natutukoy ng awtoridad ang suspect na tumakas matapos ang krimen. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang suspect at ang motibo ng pagpatay.
