UMAABOT sa P28 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao.
Sinabi ng BOC na nakumpiska ang mga sigarilyo sa Port of Zamboanga sa loob ng bangka.
Inaresto ang siyam na nine crew members na hindi nakapagpakita ng kaukulang dokumento.
Nahaharap ang crew members sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations.
