PATULOY ang pagtaas sa bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 killer earthquake sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa datos ng ahensya, pumalo na sa 37 indibidwal ang bilang ng mga sawimpalad lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao noong Lunes ng umaga, Hunyo 8 ng kasalukuyang taon.
Umabot naman sa 456 katao naman ang naiulat na nasugatan.
Kabilang sa mga nadagdag sa talaan ng mga namatay ang apat mula sa Davao region.
Nasa 33 katao ang binawian ng buhay sa Soccsksargen, kabilang ang 18 sa Sarangani, 12 sa General Santos City, at tatlo sa South Cotabato.
