
UMAABOT sa halagang P3.8 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa illegal na droga, ayon sa National Bureau of Investigatin (NBI).
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs and the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ni Justice Secretary Remulla, nakumpiska sa operasyon ang 560 kilo ng methampethamine hydrochloride o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.8 bilyon sa Gate 1 Empire 999 Realty Corporation Purok 5 San Jose Malino, Mexico, Pampanga noong Setyembre 24.
Sa isinagawang operasyon ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), napasok ang sindikato at natuklsan ang tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa. Nakilala rin ang mga personalidad sa likod ng sindikato.
Nasa 59 brown box na naglalaman ng 530 mixed red tea bags at golden tea bags na may shabu ang nasamsam ng mga operatiba.
Ang bawat box ay naglalaman ng chicharon at daing na isda kung saan nakasiksik ang droga kasama ang softdrinks at pagkain ng hayop.
Dumating ang droga sa Subic Port, SBMA noong Setyembre 18 mula sa bansang Thailand.