WALANG kahirap-hirap na nakatakas ang isang salarin matapos paslangin ang isang babaeng pasyente sa loob mismo ng isang pagamutan sa Dasmariñas City, Cavite.
Dead on the spot ang biktimang kinilala sa pangalang Cathy Timbang, habang sugatan naman ang tatlong iba pa kabilang ang ina ng pumanaw na biktima.
Kwento ng mga saksi, nasa emergency room ng pagamutan si Timbang nang pasukin ng di pa nakikilalang suspek na makailang ulit bumaril sa nakaratay na biktima.
Sapul din sa pamamaril ang ina ni Timbang na di umano’y katabi ng pumanaw na biktima.
Habang palabas ng ospital, binaril din ng suspek si Abdul Batua na nakasalubong ng suspek. Sugatan din ang isa pang babaeng tinamaan di umano sa gawing paanan.
Paglabas ng ospital, agad na sumakay sa isang nag-aabang na tricycle na mabilis namang pina arangkada sa direksyon ng Congressional Avenue.
Patuloy ang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa hangarin tumbukin ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.
