TATLO ang kumpirmadong patay sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa lungsod ng Antipolo at bayan ng Cainta sa lalawigan ng Rizal, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Unang sumiklab ang sunod sa kahabaan ng Amethyst Street sa loob ng Valley View Executive Village sa Barangay Muntindilaw sa Antipolo kung saan dalawang bahay ang nilamon ng apoy dakong alas 6:45 kaninang umaga.
Ayon kay Antipolo City Fire Marshal Fire Senior Inspector Edilmyr Viray, dakong alas 7:35 ng umaga nang ganap na maapula ang apoy.
Sa bayan ng Cainta, isa ang nasawi, habang tatlong iba ang sugatan sa sunog na naganap sa Garnet Street, sa loob ng Green Park Subdivision na sakop ng Barangay San Isidro.
Ayon sa mga arson investigators, hindi na nakalabas sa naglalagablab na bahay ang biktima para kunin ang kanyang laptop.
