MATAPOS ang malagim na aksidente sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), inilagay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 15 na bus sa preventive suspension.
Sa kalatas ng LTFRB, pansamantalang hindi muna papayagan bumiyahe ang 15 bus, kabilang ang isang unit ng Dagupan Bus na sangkot sa karambolang ikinasawi ng 10 indibidwal at ikinasugat ng 30 iba pa.
Ayon sa LTFRB, ang 15 na bus ng Pangasinan Solid North Transit Inc. sa ilalim ng Case No. CO-EB-2025-04-058 ay suspendido sa loob ng 30 na araw “effective immediately.”
Babala pa ng ahensya, Ayon sa LTFRB, huhulihin at i-impound din ng Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-Highway Patrol Group ang iba pang unit ng nasabing kumpanya.
