ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Chinese nationals na nagtatrabaho bilang inhinyero sa Ibulao Hydro Power Plant sa bayan ng Ifugao.
Kinilala ang mga “overstaying” Chinese nationals na sina Yang Yongxiang, Yuan Tonghua, at Zeng Jiakuan at Gan Yiyun.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, Abril 28 nang damputin ang mga Chinese nationals sa isang operasyon laban sa mga “overstaying” at “undocumented foreigners.”
Samantala, arestado rin sa isang huwalay na operasyon sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan ang Nigerian national na kinilala sa pangalang Emmanuel Emeka Ndukwe, 34-anyos.
Napag-alaman na walang kaukulang dokumento at paso na ang pasaporte ni Ndukwe.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng BI ang limang dayuhang nakatakdang sumailalim sa deportation proceedings.
