ANG dapat sana’y masayang pagtitipon na kasabay ng pagsalubong ng bagong taon, nauwi sa karahasan matapos hagisan ng granada ng hindi pa natutukoy na salarin.
Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) 17 ang sugatan sa nangyaring pagsabog habang ginaganap ang isang party sa bayan ng Matalam, lalawigan ng Cotabato.
Sa inisyal na impormasyon, pawang sakay ng motorsiklo ang mga suspek na naghagis ng granada sa gitna ng kasiyahan sa Purok Ipil-Ipil, Barangay Dalapitan.
Sa datos ng lokal na pulisya, pawang kabataan ang sugatan at agad na isinugod sa pagamutan.
Samantala, kinondena ni Governor Emmylou Taliño-Mendoza ang madugong insidente, kasabay ng giit na walang puwang sa lalawigan ang karahasan.
Tiniyak rin ng pamahalaang panlalawigan na tutugisin ang nasa likod madugong insidente. (EDWIN MORENO)
