
ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr., naglunsad ng puspusang paglunsad ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ng puspusang paglilinis ng bulok na sistema sa ahensya.
Kabilang sa target ng LTO, mga tiwaling opisyales, empleyado at mga service providers sa iba’t ibang district offices ng ahensya.
Una nang inihayag ni LTO chief Vigor Mendoza ang paglalabas ng show-cause order sa 160 klinika na umano’y nag-iisyu ng medical certificate nang hindi kailangan sumipot sa pagsusuri.
Kahapon, inanunsyo naman ni Mendoza ang ikinasang imbestigasyon sa 10 LTO district offices na hinihinalang sangkot sa iligal na paglilipat ng pagmamay-ari ng 40 na sasakyan na dati nang nakumpiska sa police operations.
Gayunpaman, hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Mendoza sa pagkakakilanlan ng mga district office chiefs na isinasailalim sa imbestigasyon.