Huling kaarawan ni former President Rodrigo Duterte bilang isang malayang mamamayan.
NAKATAKDANG lumipad papunta sa The Hague, Netherlands buong pamilya ni former President Rodrigo Duterte na magdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan sa Marso 28 — sa loob ng bilangguan.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, kabilang sa mga darating sa Netherlands ang live-in partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña, dalagitang anak na si Kitty.
“Ang balita ko, darating si Honeylet and darating si Veronica. Hindi ko lang alam kung anong dates sila darating. Pero nagsabi sila, na darating sila.”
Dadalaw rin umano ang kanyang inang si Elizabeth Zimmerman sa mismong kaarawan ng dating pangulo.
“Yes, and ‘yung mother ko darating. Siguro on the day of the birthday yata. Hindi ko lang sigurado pa. Hindi ko pa nakita ‘yung kanyang flight details.”
Nag-apply na rin umano ng visa si Davao City Rep. Paolo Duterte para makapunta sa The Hague.
Gayunpaman, hindi aniya makakapunta si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte dahil sa nalalapit na midterm elections.
Nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si Duterte bunsod ng kinakaharap na kasong crimes against humanity na isinampa ng pamilya ng mga pinaslang sa ilalim ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
