BULILYASO ang planong pagtakas ng pitong Chinese nationals sa pasok sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) matapos makalawit ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Zamboanga.
Kabilang sa mga nadakip sina Ying Guan Zhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; at Luo Honglin, 27 na pawang sangkot sa sinalakay na POGO hub sa Pampanga.
Bukod sa mga Chinese POGO workers ng sinalakay na Lucky South 99, timbog din ang dalawa pang Intsik na wanted umano sa bansang China.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng BARMM, nagtangka umano tumakas ang mga Chinese nationals gamit ang tinatawag na “backdoor route” mula Tawi-Tawi patungong Sabah, Malaysia gamit ang inarkilang ‘transporter.’,
Hindi pa man nakakalayo, pumalya na umano ang makina ng bangka malapit sa Languyan Island, Tawi-Tawi.
