
MATAGUMPAY na inilunsad ng Civil Service Commission (CSC) ang isang inisyatibang layon propesyunalismo sa hanay ng mga kawani ng pamahalaan – ang 2024 Leaders & HR Symposium (LHRS) na ginanap kamakailan sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay.
Bahagi ng LHRS ang mga bagong microlearning courses nito, gayundin ang Civil Service Digital Exam (CSDEx) kung saan nakibahagi hindi bababa sa 3,000 lider sa larangan ng human resources mula sa ibang panig ng bansa.
Katuwang sina Commissioners Aileen Lourdes Lizada at Ryan Alvin Acosta, ibinida ni CSC chairperson Karlo Nograles ang palitan ng tinawag niyang “best practices” at kaalaman sa CSC Learning Management System (LMS) na nagbibigay sa mga kawani ng pamahalaan ng “flexible and concise training” saanman o anumang panahon.
Layon ng naturang inisyatiba isulong ang aniya’y “professional development” para sa mga empleyado ng gobyerno.
Paglilinaw ni Nograles, ang konsepto ng CSDEx (kapalit ng Computerized Examination) na nabuo sa pakikipagtulungan sa University of the Philippines Open University, ay isang “cloud-based high-stake examination platform” base sa Cloud First Policy ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa ilalim ng dalawang araw na symposium sa temang “Adapt Beyond Limits,” pangunahing tinalakay ang aspeto ng “leadership, human resource management, and organizational development.”
Tampok sa 2024 LHRS ang mga prominenteng lider at ekspertong nanindigan sa kahalagahan ng “adaptive leadership” bilang tugon sa hamon sa digital transformation, talent retention, at organizational resilience. Kasama rin sa pinaksa ang “emotional resilience, artificial intelligence and ethics, ang inclusive leadership.”
Hamon ni Nograles sa mga lumahok sa 2-day symposium, isabuhay ang mga nakuhang kaalaman at bagong impormasyon sa kani-kanilang tanggapan.
“For the past two days, we navigated through insights and strategies, and we shared our experiences as public servants dedicated to leading with adaptability and resilience in our rapidly changing world. Adaptability is a journey, not a destination. The lessons we’ve learned should propel us forward to build more resilient, agile, and forward-thinking public institutions,” ani Nograles.