KASUNOD ng pormal na panunumpa bilang kasapi ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez sa kakayahan ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa pagtaguyod ng kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.
“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” ani Romualdez, na tumatayong pangulo ng Lakas-CMD matapos pangasiwaan ang panunumpa ng ACT-CIS partylist solon bilang ika-112 kongresistang miyembro ng partido.
“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” wika ni Romualdez
Bago pa man naging kongresista sa unang pagkakataon, higit na kilala si Tulfo bilang isang mamamahayag at Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan aniya ipinamalas ang walang takot na pagseserbisyo-publiko at dedikasyon sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.
Sa pagpasok ni Tulfo sa Lakas-CMD, kumpyansa si Romualdez na mas titibay ang mga panukalang batas na magdadala ng kinakailangang pagbabago sa lipunan at sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga Pilipino.
“With Cong. Erwin on board, we are even more determined in our quest for meaningful change. His experience, leadership, and dedication to public welfare will be invaluable not just to Lakas-CMD but to the entire nation,” punto pa ng lider-kongresista.
“His voice will play a crucial role in advancing our legislative agenda, and we are confident that his influence will help uplift the lives of every Filipino.”
