Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN
MATAPOS ang dalawang taon sa Civil Service Commission (CSC), tuluyan nang nagbitiw sa pwesto bilang chairman si Karlo Nograles sa hangaring kumandidato sa lungsod ng Davao.
Sa isang mensahe, kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez and pagbibitiw sa pwesto ni Nograles.
“Yes, nag-submit na siya ng resignation letter as chair of Civil Service Commission,” ani Chavez sa mga mamamahayag na nakabase sa Palasyo.
Makaraan ang pormal na pagbibitiw, naghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si Nograles.
“It has been a privilege and an honor to serve our countrymen as part of the institution mandated by the Constitution to promote morale, efficiency, integrity, responsiveness, progressiveness, and courtesy in the civil service.” wika ni Nograles sa liham na pinadala sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“This experience has moved me to return to my roots in Davao City –– where I hope to bring and apply the lessons I have learned in my tenure as the head of the Commission, as well as my two decades in government,” dugtong ni Nograles.
Sa nakalipas na dalawang taon, naging punong abala si Nograles sa iplementasyon ng reporma sa naturang ahensya.
“As I embark on this new path of public service, I leave the CSC extremely confident in its ability to steer our bureaucracy towards greater heights.” Ani Nograles.
Bago pa man itinalagang CSC chairperson, dati nang nagsilbi si Nograles bilang kinatawan ng unang distrito Davao City sa Kamara sa loob ng siyam na taon.
Bilang kongresista, kabilang sa mga inakdang batas ang Green Jobs Act, the JobStart Philippines Act, at ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Bandang alas-9:46 ng umaga nang pormal na isumite ni Nograles ang kanyang COC sa Davao City kung saan kung saan kasama niya ang kapatid na si PBA partylist Rep. Migs Nograles, na kakandidato naman bilang kinatawan sa Kamara ng Davao City 1st District.
Sa isang pahayag, inamin ni Nograles na hindi naging madali ang kanyang paglisan sa ahensyang hinubog para maging produktibo.
“It is with mixed emotions that I tender my resignation as Chairperson of Civil Service Commission effective 7, October 2024,” nakasaad sa liham ni Nograles.
Aniya, isang karangalan makapagsilbi sa mamamayan ng may mataas na antas ng integridad at respeto sa serbisyo publiko, kasabay ng pagtitiyak na dadalhin niya ang mga natutunang kaalaman at mga karanasan sa kanyang tatahakin landas – pabalik sa mundo ng pulitika.
