HINDI muna pahihintulutan ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang paglalayag ng mga mangingisda sa karagatan para bigyang-daan ang tinaguriang “counter-landing live-fire exercises” ng Balikatan 2024 sa Laz Paz Sand Dunes sa Laoag City.
Ayon Balikatan 2024 executive agent Col. Michael Logico, mahigpit na ipatutupad ang “no-sail zone” hanggang Mayo 10 ng kasalukuyang taon.
Una nang naglabas ng abiso ang pamahalaan hinggil sa limang araw na “no sail zone” alinsunod sa napagkasunduan ng mga bansang kalahok sa isinasagawang Balikatan Exercises.
Para kay Logico, higit na angkop tiyakin ang kaligtasan ng mga mangingisda lalo pa aniya’t tunay na bala at pampasabog ang gagamitin sa taunang pagsasanay na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang mga sundalong Pilipino sa aspeto ng pagtatanggol laban sa mga mananakop.
“The displacement of fisherfolks will take effect tomorrow. It is for the safety of fishermen and commercial vessels entering the exercise area,” ani Logico sa isang pulong-balitaan inorganisa ng pamahalaangg panlalawigan ng Ilocos Norte.
