HINDI malayong patalsikin din sa pwesto bilang Senate President si Senador Francis Escudero kung hindi magiging masunurin sa mga pwersa sa labas ng bulwagan ng Senado.
Ito ang babala ni Zubiri matapos di umanong maging biktima ng ng mga tinawag niyang “powers that be” na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang lider ng Senado.
Hamon ni Zubiri kay Escudero – tiyakin walang tutulog-tulog na komite.
Aniya, bantay-sarado sa mata ng “powers that be” ang mga komite kung saan nakatengga ang mga priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Katunayan aniya, makailang ulit siyang kinausap ng mga opisyal ng Palasyo para paspasan ang mga panukalang nais ng Pangulo mapagtibay sa lalong madaling panahon, noong hindi pa siya nalalaglag bilang Senate President.
“Sa mga naiwan pa na LEDAC measures, silipin na lang ninyo sino mga chairman nun,” wika ni Zubiri sa isang ulat na unang lumabas sa PolitikoPH.
“Kawawa si Senator Escudero because eventually kung hindi gumalaw iyan, ganyan din ang mangyayari dun, siya ang huhusgahan at babatikusin.”
