MULING lumagapak ang halaga ng piso – pinakamababa sa nakalipas na 19 na buwan, ayon sa Bakers Association of the Philippines (BAP).
Batay sa datos ng BAP, nasa P58.78 kada dolyar ang palitan.
Kahapon, nagbukas ang palitan sa P58.80 laban sa dolyar mula sa closing na P58.71 noong nakalipas na araw. Umabot ang transaksyon sa $1.319 bilyon kahapon na bahagyang mas mataas kumpara sa $1.318 bilyong transaksyon na naitala noong kamakalawa.
Samantala, kumbinsido si Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort na malaki ang papel ng pakikialam ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa merkado.
“Going forward, the performance of the US dollar/peso exchange rate would partly be a function of intervention/defense as consistently seen over the past 1.5 years.”
Iba naman ang paniwala ng ekonomistang si Jonathan Ravelas. Aniya, sadyang malakas lang ang dolyar kaya humina ang piso kahit hindi ganoong masama ang balita tungkol sa inflation.
“Despite the better than expected inflation, the USD/PHP weakened anew to P58.78. No stopping of the strong dollar.”
