SA unang limang buwan ng taon, umabot na sa mahigit sa P25 milyon ang kabuuang halaga ng iligal na vape products na sinasamsam ng ahensya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Base sa tala ng DTI, nasa P25,874,175 ang kabuuang halaga ng kumpiskadong vape products sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon — malayo kumpara sa kabuuang P5,453,852 ng illegal vape products na nasabat sa buong 2023.
Para kay Trade Secretary Alfredo Pascual, malaking bentahe sa departamento ang pinaigting na pagpapatupad ng Republic Act 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act) o Vape Law.
Karamihan sa mga nakumpiskang produkto ng vape ay lumabag sa violated Rule 6, Section 1(j), na mahigpit na nagbabawal sa pagbebenta ng vape products na may mga flavor descriptor o cartoon character na nakakaakit sa mga menor-de-edad.
Kabilang sa nasamsam ang 2,428 units ng RELX brand na nagkakahalaga ng P534,190, at 158 units ng Waka by RELX na may halagang P35,440.
Noong Marso ay sinuspinde ng DTI ang pagbebenta at pagpapakalat ng vape brand na Flava dahil sa paulit-ulit na paglabag sa RA 11900.
Sa pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at DTI noong Abril ay nakumpiska naman ang P24.8 milyon ng iligal na Flava vapes na ibenebenta ng isang tindahan na may 20 metro lamang ang lasyo sa isang elementary school sa Parañaque City, isang malinaw na paglabag sa pagbabawal na magbenta sa loob ng 100 metrong distansya sa mga lugar na madalas may mga kabataan.
