WALANG senyales na magpapatunay ng bumubuti ang ekonomiya ng bansa, batay sa pinakahuling palitan ng piso kontra dolyar.
Batay sa datos ng pamahalaan, sumadsad sa pinakamababang antas sa nakalipas na walong buwan ang halaga ng piso – P58.80 sa kada isang dolyar.
Nagbukas ang palitan ng piso sa P58.83 kontra dolyar, mas mahina kaysa sa closing noong Huwebes na P58.78 at sumadsad pa sa P58.88. Nasa P58.78 ang pinakamalakas na palitan ng piso noong Biyernes.
Malayo rin ang agwat sa volume ng palitan na nasa $807.95 milyon lang kumpara sa $1.281 bilyon noong Huwebes.
Gayunpaman, kumbinsido si RCBC Chief Economist Michael Ricafort na kayang tugunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagsadsad ng piso.
