MATAPOS ang mahigit isang dekada, tuluyan nang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 85-anyos na political prisoner — ang pinakamatanda sa buong bansa.
Ayon sa grupong Karapatan, araw ng Linggo (Hunyo 30) nang ganap na makalaya si Gerardo dela Peña makaraang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang commutation of sentence ng nabanggit na political prisoner.
Batay sa direktiba ng Pangulo, gawin na lang 12 taon na lang pangungulungan ni Dela Peña — bukod pa sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) credits na ibinawas pa sa 12 taon.
Marso 2013 nang dakpin si Dela Peña nahinatulan sa kasong murder sa edad na 75 taong gulang.
Pinuri naman ng militanteng grupo ang pagpapalaya kay Dela Peña, na anila’y dumaranas ng iba’t ibang karamdaman bunsod ng katandaan.
Ayon sa Kapatid, nahatulang makulong si Dela Peña sa kabila pa ng pag-ako ng New People’s Army sa krimen na ibinintang sa noo’y akusado.
