Ni LILY REYES
BATAY sa pinakahuling pagtataya ng mga siyentipiko, ganap nang itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña alert bunsod ng paglamig ng temperatura ng tubig sa Pacific Ocean.
Sa kalatas ng PAGASA, nasa 70 porsyento na anila ang tsansang magsimula ang pananalasa ng La Niña pagsapit ng Agosto ng kasalukuyang taon, na inaasahang mananatili hanggang sa 2025.
Abiso ng PAGASA, higit sa karaniwan ang inaasahang pagbuhos ng ulan, kasabay ng paalala sa peligro kabilang ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Payo ng PAGASA, maging alerto para maiwasan ang pagbubuwis ng buhay sa panahong anila’y higit na kailangan ang ibayong pag-iingat at angkop na paghahanda.
