NAGKASA ng mas malalim na imbestigasyon ang Batangas Provincial Police Office (BPPO) makaraang makuhanan ng santambak na baril ang isang negosyanteng target ng warrant sa lungsod ng Tanauan, lalawigan ng Batangas
Sa kalatas ng lokal na pulisya, 16 na armas ang nasamsam sa bahay ng isang hindi pinangalanang negosyante sa Barangay Bagbag, Tanauan City.
Kumpiskado sa operasyong tumagal ng halos 10 oras ang caliber .45, 9mm, caliber 40, super 38 pistol, magnum 357 at isang converted carbine, bulto-bultong bala at mga gun accessories sa operasyon na tumagal ng halos 10-oras.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon sa hangaring matukoy ang pinagmulan ng mga nasabing armas.
