Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
DAHIL sa ipinamalas na malasakit sa panahong higit na kailangan ang damayan, binigyang pagkilala ni Speaker Martin Romualdez ang Singapore Red Cross sa ibinahaging US $50,000 (katumbas ng P2.925 milyon) na donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Carina.
“I am sure that our people, especially those affected by the recent typhoon, deeply appreciate the kind gesture of our friends from Singapore,” pahayag ni Romualdez.
“On behalf of our people and President Ferdinand R. Marcos Jr., thank you, Singapore Red Cross,” dugtong ng pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Ayon kay Romualdez, ang donasyon ay malaking tulong para muling makabangon ang mga biktima ng bagyo.
“I am sure that at some future time, we will reciprocate the kindness of our Singaporean neighbors and other friends who are helping us,” diin pa niya.
Ipinaabot sa bansa ng Singapore Red Cross ang donasyon sa bisa ng pakikipag-ugnayan ng Philippine Red Cross (PRC).
Sa isang pahayag, sinabi ng Singapore Red Cross na ang pondo ay gagamitin para suportahan ang “emergency operations” ng Philippine Red Cross, sa pagpapaabot ng mga kinakailangang tulong sa mga pamayanang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
“The intensified rainfall, floods and landslides caused by the tropical cyclone have a devastating impact on families and communities. We are closely monitoring the situation and are in close communication with the Philippine Red Cross to ensure that our contribution provides the best support to the affected communities,” saad sa kalatas ni Benjamin William na tumatayong Secretary General at Chief Executive Officer ng Singapore Red Cross.
Una nang nagpahatid ng tulong si Speaker Romualdez at mga kapwa kongresista
para sa mga labis na nasalantang komunidad ng bagyong Carina at habagat.
Noong nakaraang Linggo, pinangunahan ng pinuno ng Kamara ang pamamahagi ng relief goods sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa lungsod ng San Juan, Marikina, Navotas, at Quezon City.
