NAMUMURO sa nakaumang na suspensyon at kasong kriminal ang isang barangay chairman matapos ireklamo ng isang konsehal kaugnay ng di umano’y walang habas na pagpapaputok ng baril at panunutok.
Sa ulat ng lokal na pulisya, kasong grave threat and alarm and scandal ang inihain sa City Prosecutor’s Office ang isang Joven Camacho na tumatayong Kapitan ng Barangay Malibayo sa Batangas City.
Batay sa kwento ni Lobo municipal councilor Leslee Manalo Aguilar, nakikipagkwentuhan siya kasama ang ilang kaibigan sa isang kubo malapit sa basketball court dakong alas 9:00 ng gabi nang lapitan sila ni Camacho ang grupo.
Ani Aguilar, binantaan di umano silang papatayin ng noo’y lasing na kapitan habang nakatutok sa kanila ang baril. Matapos magbanta, sunod-sunod na pagpapaputok ang ginawa ng suspek habang naglalakad palayo sa grupo.
Wala naman nasaktan sa nasabing insidente. Patuloy naman ang paghahanap ng pulisya sa naturang kapitan.
