MADULAS na kalsada ang sinisilip na dahilan ng lokal na pulisya sa pagbaliktad at tuluyang pagkahulog sa bangin ng isang jeep na kargado ng 21 pasahero sa bayan ng Leon sa lalawigan ng Iloilo.
Aton sa paunang ulat ng pulisya, dalawang menor de edad ang binawian ng buhay – 13-anyos na si Alvin at 5 taong gulang niyang pamangkin na si Princess.
Sugatan naman sa nasabing insidente ang 16 iba pang sakay ng jeep na patungo sana sa bayan ng Bucari mula sa munisipalidad ng Cagay. Kwento ng mga biktima, nawalan ng kontrol sa jeep na minamaneho ng isang Yuben Cabansag sa kurbadang bahagi ng kalsada dakong alas 6:00 ng umaga.
Sinubukan pa di umanong ipreno ng driver ang minamanehong sasakyan pero biglang bumaliktad at nagpagulong-gulong hanggang sa mahulog sa malalim na bahagi ng daan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, kabilang sa nakikitang dahilan ng aksidente ang madulas ang kurbada sa kalsada.
