MUKHANG mabibigo na naman ang Philippine National Police (PNP) na ikalaboso ang puganteng televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy matapos utusan ng korte ang nasa 2,000 pulis na lisanin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Buhangin District, Davao City.
Sa tatlong-pahinang kautusan ni Judge Mario Duaves ng Davao City Regional Trial Court Branch 15, pinatigil na rin ang PNP sa ginagawang paghalughog sa 30-ektaryang KOJC Compound na pagmamay-ari ng target ng operasyon.
Inilatas ng korte ang kautusan bunsod ng hirit na temporary protection order ng kampo ni Quiboloy. Ang dahilan — masyado nang ang pananatili ng mga tauhan ng pamahalaan sa naturang lugar kung saan pinaniniwalaang nagtatago si Quiboloy.
