PARA sa Department of Justice (DOJ), hindi pwedeng maging state witness si dating Bamban Mayor Alice Guo – maliban na lang kung ingunguso niya ang kanyang mga amo at mga government officials na nagbibigay proteksyon sa illegal POGO.
Sa isang pulong-balitaan, nilinaw ni DOJ Assistant Secretary at spokesperson Mico Clavano na “most guilty” si Guo sa usapin ng ng illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
“Right now, dahil sa ating mga alam, dahil sa mga lumalabas sa investigation, she still stands as the most guilty, thereby disqualifying her to become a state witness,” wika ni Clavano.
“But if matumbok natin at may makilala pa tayong mas malaking tao na nagpapaikot sa mga illegal activities ng POGO then she may become a state witness because she will no longer be the most guilty, meron pang mas mastermind,” dagdag pa niya.
Una nang sinabi ng sinibak na alkalde kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na pinili niya na lang sumuko sa gitna ng di umano’y banta sa kanyang kaligtasan.
Una nang idinawit ng mga inanyayahang resource persons sa pagdinig ng quad committee ng Kamara ang pangalan ni former President Rodrigo Duterte, Senador Ronald dela Rosa at maging si dating special assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go sa illegal POGO operation na sinasabing pinagmulan ng pabuyang ipinamahagi sa mga pulis sa tuwing may itutumbang tulak ng droga.
Si Guo ay muling haharap sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa Lunes kaugnay ng pagtakas niya kasama ang illegal POGO incorporator na si Cassandra Li Ong at mga kapatid na sina Shiela at Wesley.
